HIGIT 100 PANABONG NA MANOK, NAMATAY DAHIL SA PAGBAHA

Cauayan City – Hindi nakaligtas sa pagkamatay ang higit isandaang panabong na manok sa Brgy. Carabatan Bacareño noong kasagsagan ng pagbaha sa lugar.

Sa naging panayam ng IFM News Team sa may-ari ng Redbarn 8899 Farm, inabot ng tubig-baha ang kanyang farm dahilan upang masira ang bahay-manukan at mamatay ang mga panabong na manok.

Aniya, kung susumahin ay aabot sa P600,000 ang halaga ng mga nasawing manok dahil sa pagbaha.


Maliban dito, hanggang ngayon ay may mangilan-ngilang panabong na manok pa ang nanghihina habang ang ilan sa mga breeders nito ay stress rin.

Gayunpaman, ipinagpapasalamat pa rin nito na kahit papaano ay may mga manok na itong unang naibenta bago pa man humagupit ang sunud-sunod na bagyo kaya kahit papaano ay mayroon pa rin itong kinita.

Facebook Comments