Higit 100 pasahero, nananatiling stranded sa mga pantalan sa Southern Tagalog

Nananatili pa rin sa 166 na pasahero, drivers at helpers ang stranded sa ilang mga pantalan sa Southern Tagalog.

Sa inilabas na monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), ang mga nasabing stranded na indibidwal ay naitala sa 21 pantalan.

Nasa 3 vessel at 215 rolling cargoes ang hindi pa makapaglayag, kung saan ang mga sakay nito ay nasa maayos naman na kalagayan.


Umaabot rin sa 48 vessel at 56 motorbanca ang nakikisilong sa ibang mga pantalan, bunsod na rin ng hindi pa maayos na lagay ng karagatan.

Kasalukuyan namang nakatutok ang PCG sa paparating na Bagyong Kiko, habang pinapaalalahan ang lahat na mag-doble ingat dahil sa posibleng lakas ng ulan at hangin ang maidudulot nito base na rin sa pagtaya ng PAGASA.

Facebook Comments