Higit 100 pasahero ng barkong tumirik sa Palawan, inilikas ng PCG

Nasa mahigit isandaang pasahero ng MV St Francis Xavier ang nirespondehan ng The Coast Guard Station (CGS) Northeastern Palawan matapos makaranas ng problema sa makina ang barko.

Sa ulat ng PCG, patungo sanang Puerto Princesa City ang barko mula sa Coron, Palawan nang mawalan ito ng kuryente.

Bagama’t naibalik ang kuryente ay hindi agad nakaalis ang barko na sumadsad malapit sa pier dahil sa low tide.


Dahil dito, 106 na pasahero ang inilikas muna ng Coast Guard hanggang nitong Linggo ng umaga.

Sasailalim muna sa pagsusuri ang nasabing barko bago payagang magpatuloy sa biyahe.

Facebook Comments