Nakalaya na ngayong hapon ang 141 persons deprived of liberty (PDL) sa Manila City Jail, sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance.
Ang pagpapalaya ay sa ilalim ng Project LINO o Layang Inaasam sa Napapanahong Okasyon ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Karamihan sa mga PDL ay may mga kasong paglabag sa Section 11 ng Dangerous Drugs Act na kinasasangkutan ng 50 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu.
Ayon kay Superintendent Lino Soriano, warden ng Manila City Jail male dormitory, layunin din ng programa na paluwagin ang prison facility, alinsunod na rin isinagawang National Jail Decongestion Summit na tugon sa jail congestion sa bansa.
Nauna nang sinabi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na mahigit 3,000 PDLs ang inaasahang palalayain mula sa detensyon ngayong buwan kasabay ng Christmas season.