Higit 100 petisyon kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, natanggap ng COMELEC

Umaabot na sa higit 100 ang naghain ng petisyon sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa nalalapit na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa datos na ibinahagi ng COMELEC, nasa 138 na ang natanggap nilang petisyon kung saan sa nasabing bilang, 93 dito ay pawang mga soft copies pa lamang ang reklamong natanggap.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang 93 ay hindi pa nagbibigay ng mga hard copies ng kanilang reklamo o petisyon at wala pa rin binabayaran na filing fees.


Ang mga inihaing petisyon ay natanggap ay sa pamamahitan ng social media at iba pang komunikasyon ng Comelec.

Naproseso naman na ng Comelec ang 43 iba pang petisyon kung saan 7 sa nasabing bilang ang nais ipadeklarang nuisance, 23 ang pinapakansela ang Certificate of Candidacy at 13 ang pinapa-disqualify.

Paalala ni Garcia, ang mga nais mareklamo o maghain ng petisyon ay kinakailangan pa rin magtungo ng personal sa anumang tanggapan ng Comelec kahit pa naipadala nila ito sa pamamagitan ng social media o sa online upang maiproseso habang maaga.

Facebook Comments