Higit 100 pulis nasawi bunsod ng pinaigting na internal cleansing sa hanay ng PNP – Palasyo

Isang-daan at dalawampu’t apat na pulis na ang nasawi sa mga ikinasang entrapment operations ng Philippine national laban sa kanilang mga kabaro na dawit sa operasyon ng iligal na droga.

 

Sa ilalim ito ng panunungkulan o termino ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, batay sa pahayag ni Albayalde ay maigting ang ipinatutupad na internal cleansing sa hanay ng PNP at pawang nanlaban ang lahat ng nasawing mga pulis.


 

Kasabay nito, nagbabala si Panelo laban sa mga police scalawags na dawit sa illegal drugs na huwag nang makilahok sa nasabing aktibidad dahil tiyak na mahuhuli sila at mamamatay kung magtatangkang manlaban.

 

Una nang lumutang ang usapin ng ninja cops o mga pulis na nagre-recycle sa nasasamsam na iligal na droga kasunod ng pagsisiwalat ni dating PDEA chief at ngayo’y Baguio City Mayor Bejamin Magalong.

Facebook Comments