Higit 100 tauhan ng AFP WestMinCom, sumailalim sa random drug test

Sumalang sa random drug test ang 134 personnel ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP WestMinCom).

Ito ay pagtalima sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kung saan mahigpit na ipinatutupad ng Sandatahang Lakas ang random drug testing sa lahat ng unit nito.

Sinabi ni AFP WestMinCom Commander Major General Steve Crespillo na nakamit nila ang drug-free organization matapos na walang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga sa kanilang mga tauhan.


Ayon kay Crespillo, mahalaga bilang public servants na mapanatili nila ang mataas na antas ng propesyonalismo at disiplina sa lahat ng oras.

Tiniyak ng AFP WestMinCom na magpapatuloy ang suporta nila sa kampanya kontra iligal na droga ng gobyerno.

Facebook Comments