Narekober ang daan-daang toneladang taklobo o giant clams sa Barangay Bawing, General Santos City.
Sa ilalim ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora, ang mga taklobo ay pasok sa ‘protected species’ category.
Ibig sabihin, protektado ang mga taklobo mula sa over-exploitation sa international trade.
Ayon kay NBI Region 6 Assistant Regional Director Ezel Hernandez – aabot sa 120 tons ng giant clam ang kanilang narekober.
Bawat taklobo ay may bigat na 30 kilo.
Hinihinalang nagmula ang mga taklobo sa Cagayan, Davao at Zamboanga bago dalhin sa General Santos City.
Lumalabas na gagamitin sana ang mga ito bilang accessories o ingredients sa beauty products.
Hindi pa matukoy kung sino ang mga salarin.
Batay sa Philippine Fisheries Code of 1998, ang pagkuha at pag-alaga ng mga rare, threatened o endangered species ay ilegal.