HIGIT 100 WANTED PERSONS, NAARESTO NG PNP ISABELA

CAUAYAN CITY- Umaabot sa kabuuang 131 na wanted sa batas ang nasakote ng Kapulisan ng Isabela sa buong buwan ng Hunyo.

Ang nasabing bilang ay nadakip sa isinagawang 122 total operations.

Sa nabanggit na bilang, 15 sa mga ito ang Top Most Wanted, 14 naman ang Most Wanted, habang 102 naman ang other wanted persons.


Samantala, sa operasyon naman ng kontra ilegal na sugal, umabot sa 76-katao ang nadakip kung saan 15 sa mga ito ang tuluyang nasampahan ng kaso.

Watch more balita here: 𝟮𝟭𝟲 𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗣𝗔𝗧𝗘𝗡𝗧 𝗧𝗜𝗧𝗟𝗘𝗦, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔

Mahigpit naman na ipinaalala ni PCOL. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng IPPO na ang buong PNP Isabela ay seryoso sa pagpapatupad ng Peace and Order sa lalawigan kung kaya’t pinapayuhan ang lahat na sumunod sa batas dahil ang sinumang lalabag dito ay kanilang pananagutin.

Facebook Comments