Aabot sa 1,264 na kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa nakalipas na linggo.
Sa datos ng DOH, mayroong 272 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.
Bukod dito, nasa 186 na iba pa ang nananatili at patuloy na inoobserbahan sa ospital.
Higit sa 78 milyong indibidwal ng target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 23 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.
Samantala, nasa 7.1 milyong senior citizens na target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula naman noong Oktubre 2 hanggang 8, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ay nasa 181 n mas mataas ng 3 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Setyembre 25 hanggang Oktubre 1.