Higit 1,000 bagong posisyon sa PGH, binuksan ng pamahalaan

Inanunsyo ng Malacañang na inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagdaragdag ng 1,224 na bagong posisyon sa Philippine General Hospital o PGH.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyaking makapagbibigay ang PGH ng mahusay, at maaasahang serbisyong medikal sa publiko.

Dagdag pa ni Castro, ang desisyon ay tugon din sa kahilingan ng UP-PGH na palakasin ang kanilang organisasyon at manpower capacity para lalo pang mapabuti ang kalidad ng kanilang serbisyong pangkalusugan para sa mga pasyenteng higit na nangangailangan.


Ang implementasyon ng mga bagong posisyon ay isasagawa mula 2025 hanggang 2027.

Facebook Comments