Higit 1,000 benipisyaryo, nakinabang sa Walang Gutom 2027 Food Stamp Redemption ng DSWD

 

Isinasagawa ang “Walang Gutom 2027 Food Stamp Redemption” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa dalawang barangay sa Tondo, Maynila.

Aabot sa 1,350 ang mga benepisyaryo ng pamilya na dumaan sa beripikasyon at sila ay makakukuha ng aabot sa ₱6,000 halaga ng mga pagkain tulad ng isda, baboy, manok, itlog, iba’t ibang mga gulay, prutas, bigas, tinapay at iba pa.

Ayon kay Atty. Argel Cabatbat ng Magsasaka Outlet, ang mga produkto ay mula sa mga local farmers kung saan sila mismo ang nagdadala ng suplay sa naturang programa ng pamahalaan.


Sinabi pa ni Atty. Cabatbat, na magpapatuloy ang pag-supply nila ng mga agricultural product para sa Food Stamp Program upang may mga makukuhang masusustansyang pagkain.

Walang anumang delata, instant noodles at frozen products ang ibinebenta dito.

Una nang sinabi ng DSWD na layon ng Walang Gutom Food Stamp Program na matugunan ang kagutuman sa bansa at nasa 10 rehiyon na ito isinasagawa.

Facebook Comments