Higit 1,000 COVID-19 patients, sumailalim na sa WHO therapeutic trials – DOH

Umabot na sa 1,065 COVID-19 patients ang sumasailalim sa Solidarity Trial for Treatments ng World Health Organization (WHO).

Sa ilalim ng solidarity trial, tutukuyin ang mga off-label drugs na maaaring makatulong sa mga pasyenteng tinamaan ng virus.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagpapatuloy pa rin ang recruitment para sa therapeutics trial ng WHO.


Sinabi ni Vergeire na ang karagdagang bote ng anti-viral drug na Remdesivir at Interferon na kailangan sa trials ay dumating na sa Pilipinas.

Para sa Japanese flu drug na Avigan, sinabi ni Vergeire na isinasapinal pa lamang nila ang ilang dokumento bago simulan ang clinical trials.

Magbibigay ang DOH ng impormasyon kapag natapos na ang trials.

Facebook Comments