Higit 1,000 ektarya ng Pananim na Marijuana, Pinagsusunog sa Kalinga

16

Cauayan City, Isabela- Sinunog ng mga otoridad ang 10,800 fully-grown Marijuana plants sa Brgy. Lacnog, Tabuk City, Kalinga.
Tinatayang nasa higit P2 milyon ang halaga ng Marijuana na nakatanim sa 1,800 square meters na lupain.
Magkatuwang na sinuyod ng mga kasapi ng PDEA-Kalinga, 1st KPMFC, PDEU, RDEU, RIU 14, Tabuk CPS, Kalinga PECU, RMFB 1503rd at KPPO ang lugar.
Wala namang naiulat na naaresto sa lugar subalit paalala ng pulisya na ang sinumang mahuli ay papatawan ng parusang paglabag sa RA 9165 o Illegal Drugs ay may multang naglalaro sa P10 milyong piso.

Facebook Comments