Higit 1,000 estudyante, nakinabang sa isinagawang Ma. Corrina Canoy Feeding Program sa Mandaluyong City

Nakinabang ang nasa 1,200 estudyante mula sa Mandaluyong Addition Hills Elementary School sa isinagawang Ma. Corrina Canoy Feeding Program.

Ito’y sa pangunguna ng DZXL News at RMN Foundation bilang bahagi ng kanilang ika-12 anibersaryo.

Mula kindergarten hanggang grade-6 students ay nakatikim ng mainit na lugaw na may kasamang nilagang itlog.


Ilan din sa mga estudyante ay nakatanggap ng mga laruan kaya’t todo pasasalamat ang mga bata maging ang mga guro.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang Villar Foundation, ACS, Unique Toothpaste, Shield Bath Soap at Maynilad kasama ang mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan ng Addition Hills sa Mandaluyong City.

Facebook Comments