Naipamahagi na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga food packs para sa mga healthcare workers bilang pasasalamat sa mga nagawa ng mga ito sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Nasa 1,800 healthcare workers mula sa tatlong pampublikong hospital sa Marikina, Pasay at Parañaque ang nabigyan ng mga food packs ng PAGCOR
600 na food packs ang naibigay sa Amang Rodriguez Medical Center; 600 din sa Pasay City General Hospital, 800 sa Pasay City Health Office at 400 naman sa Ospital ng Parañaque.
Nasa PHP1.44 million ang inilaan ng PAGCOR kung saan kasama sa mga food items na ibinigay nila ay bigas, canned goods, noodles, coffee, chocolates, at cookies.
Samantala, ilang volunteer na empleyadong PAGCOR ang siyang tumulong sa pagre-repack ng mga foid packs kahit pa hirap ang ilan sa kanila sa pagdaan sa mga checkpoints dahil sa pinapairal na enhanced community quarantine.
Sinabi naman ni PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo, isa sa mga social responsibility ng ahensiya ang tumulong sa bawat pilipinong nangangailangan sa oras ng kalamidad at ktisis.
Bukod sa 1,800 food packs na ibinigay sa mga healthcare workers, pinagsisiskapan din ng PAGCOR na maibigay ang nasa 150,000 food packs paracsa iba’t-ibang sektor at komunidad habang nakikipag-ugnayan na din sila sa mga licensed integrated-resort casinos para makabili ng mga Personal Protective Equipment (PPEs) na ido-donate sa mga frontliners.