Higit 1,000 indibidwal, sumugod sa Bangko Sentral ng Pilipinas para kunin ang sinasabing pera para sa taumbayan

 

Aabot sa higit 1,000 indibidwal ang sumugod sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Mabini Street sa Maynila.

Ito’y sa pangunguna ng Democratic and Republican Guardian of the Philippines.

Nagtungo ang mga nasabing indibidwal upang hlingin na ilabas na ng BSP ang naipong pera na para sa taumbayan.


Ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Gilbert Landres de Salvador, ang pag-claim nila ng nasabing pera ay nakapaloob daw sa Article 1 ng 1987 Philippine Constitution.

May hawak rin sila dokumento na ipinapakita kung saan may listahan pa sila ng mga pangalan na mula sa BSP.

Taong 2016 ng una silang nagtungo sa BSP at ng makaharap ang ilang opisyal ay hinanap sa kanila ang mga tao o claimants.

Dahil dito, kanilang dinala ang mga indibidwal na mula pa sa Central Luzon, South Luzon at NCR.

Karamihan sa mga ito ay pawang mga senior citizen na kusang loob na sumama sa pagmartsa mula Quirino Gramdstand hanggang makarating ng BSP.

Facebook Comments