HIGIT 1000 JOB VACANCIES, BUBUKSAN SA ISASAGAWANG JOB FAIR NGAYONG ARAW

Cauayan City – Higit isang libong job vacancies ang naghihintay para sa mga job seekers sa isasagawang Job Fair sa lungsod ng Cauayan ngayong ika-19 ng Agosto.

Magaganap ang Job Fair Activity ganap na alas otso ng umaga sa FLDY Coliseum kung saan iba’t-ibang mga kumpanya at employers ang dadalo upang mag-alok ng trabaho.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Local Youth Development Office-Cauayan City kasama ang Public Employment and Services Office Cauayan City kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng Buwan ng Kabataan ngayong taon.


Bukas hindi lamang para sa mga Cauayeño ang nabanggit na Job Fair dahil maaari ring dumalo ang mga Job Seekers mula sa mga karatig bayan upang subukang maghanap ng trabaho.

Samantala, ayon kay LYDO Officer Atty. Christian Gonzalez, ang unang 25 first time job seekers na maha-hired on the spot ay makakatanggap ng cash incentive upang sila ay mayroong magamit sa pag-aayos ng mga dokumento at requirements na kanilang kailangan.

Facebook Comments