Cauayan City, Isabela- Umabot sa kabuuang 1,116 na kabataan edad 12 hanggang 17 ang nakatanggap na ng unang dose ng Pfizer-BioNTech vaccines sa Bontoc, Mountain Province.
Nagsimula ang pagbabakuna sa naturang mga edad nitong November 3 na pinangunahan ng pwersa ng Bontoc Local Government Unit (LGU) through the Municipal Health Office, the Department of Health, and the Provincial Government of Mountain Province through the Provincial Health Office, Bontoc General Hospital, and Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Inihayag naman ni Bontoc Mayor Franklin Odsey ang kanyang labis na saya dahil sa mataas na pagtugon ng mga kabataan na mabakunahan.
Pinuri rin ng alkalde ang mga magulang at guardian sa pagbibigay pahintulot sa mga menor de edad na mabakunahan.
Sa kasalukuyan, wala umanong natatanggap na ulat ang Municipal Health Office hinggil naman sa severe side effects ng bakuna sa mga kabataan.