Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang nasa 1,129 barangay officials na tumatalima sa kanilang direktiba na makipagtulungan sa Manila Bay clean-up.
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño – nag-isyu na ang kagawaran ng show-cause order sa mga concerned barangay officials.
Binigyang diin ni Diño – kailangang magpaliwanag ang mga opisyal kung bakit hindi sila pwedeng panagutin sa Office of the Ombudsman dahil sa kanilang kabiguang makilahok sa clean-up drive.
Ang mga opisyal ay mula sa mga barangay ng Bulacan, Bataan, Pampanga, Rizal, Laguna, Cavite at Metro Manila.
Matatandaang ipinag-utos na ng DILG sa 5,700 barangay officials na linisin ang coastal areas at inland water systems kada linggo.