Higit 1,000 lugar sa bansa, idineklarang election hotspot ng Comelec

Umabot na sa 1,196 na mga lugar sa bansa ang isinailalim sa election hotspots ng Comelec.

Ang bagong listahan na sumasakop sa National Capital Region, Luzon at Visayas ay inirekomenda ng Committee on the Ban of Firearms and Security Personnel alinsunod sa opisyal na ulat mula sa lahat ng Regional Joint Security Control Centers.

Tatlong lugar naman ang nasa ilalim ng Comelec control, ito ay ang Daraga City sa Albay, Cotabato City at ang bayan ng Moises Padilla sa Negros Occidental.


Ang naturang mga lugar ay inilagay sa kontrol at supervision ng poll body dahil sa mainit na away-pulitika na pwedeng magresulta sa karahasan.

Nasa 85 na lugar ang nasa ilalim ng category red o areas of grave concern kabilang ang Mindanao.

Nasa 706 na lugar naman ang category green o generally peaceful and orderly habang ang natitirang mga lugar ay nasa category yellow o areas of concern o category orange na areas of immediate concern.

Facebook Comments