Ayon kay DA RFO 2 Regional Rice Program Focal Person Dr. Marvin Luis, ang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P5,000 bawat magsasaka ay bahagi ng General Appropriations Act basta naka-enroll ang mga ito bilang rice farmers sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
Dagdag pa ni Luiz, magpakita lamang ng interventions monitoring card o IMC ang mga benepisyaryo para makuha ang kanilang cash.
Layon ng programa na tulungan ang mga rice-producing provinces sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga local government units (LGUs) na makabili ng palay na ginawa ng kanilang mga lokal na magsasaka, gayundin ang pagkuha ng mga makinarya sa sakahan at post-harvest facility.
Bukod dito, kasama rin ang Expanded Survival and Recovery Assistance Program for Rice Farmers (SURE Aid Program) na nagpaabot ng tulong sa pautang sa maliliit na magsasaka na nagtatanim ng 2 ektarya ng lupa at pababa.
Umaasa naman ang ahensya na maipapamahagi ang P345.5-M na halaga ng tulong sa lambak ng Cagayan para sa mga magsasaka ngayong buwan sa tulong ng Development Bank of the Philippines (DBP) and SquidPay Technology, Inc.
Nakatakda namang sundan ng ahensya ang caravan ngayong linggo.
Ang RFFA ay isang unconditional cash transfer program na naglalayong magbigay ng tig-P5, 000 financial assistance sa mga magsasaka ng palay na mayroong dalawang ektarya ng lupa sa 33 probinsya sa buong bansa.