Higit 1,000 mga Badjao, Aetas na namamasko sa kalsada, nasagip

Umabot na sa higit 1,000 katutubo ang nasasagip ng mga otoridad.

Sa 131 na operasyon na ikinasa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilang kalsada sa kalakhang Maynila magmula December 11 hanggang ngayong araw ng Pasko, December 25, 2018.

Pumalo na sa 1,030 na indigenous people ang kanilang nasagip alinsunod narin sa Presidential Decree no. 1563 (Mendicancy Law of 1978).


Binubuo ito ng 411 adult at 619 na mga menor de edad

Sa nasabing bilang 210 dito ang mga Aetas
1. Adult/s Male – 41 Female – 63
2. Minor/s Male – 60 Female – 46

Badjao (148)
1. Adult/s Male – 39 Female – 46
2. Minor/s Male – 44 Female – 69

Others (630)
1. Adult/s Male – 136 Female – 91
2. Minor/s Male – 278 Female – 125

Karamihan sa mga nasagip ay binigyan lang ng warning at saka pinalaya habang ang iba naman ay kinasuhan ng revised ordinance laban sa scavenging.

Ang mga nasagip na menor de edad ay sasailalim sa counselling at tinurnover sa DSWD.

Facebook Comments