Patuloy ang pamamahagi ng murang bigas sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron Na” (BBM) project sa probinsya ng La Union.
Umabot sa 1,075 minimum wage earners mula sa iba’t ibang establisyemento ang nakabili ng tig-10 kilo ng NFA rice sa halagang ₱20 kada kilo.
Ayon kay DOLE Assistant Regional Director Honorina Dian-Baga, ang BBM project ay patunay na posible ang ₱20 kada kilong bigas, at isa itong katuparan sa pangakong tulong ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga pamilyang kapos sa kita.
Ang programa ay isinasagawa sa tulong ng DOLE RO1, DA RFO1, at Chamber of Commerce and Industry of La Union, Inc. Patuloy itong ipatutupad sa iba pang mga establisyemento sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









