Higit 1,000 na mga LSI na nasa Bacalaran Church, makakauwi na ngayong araw

Nasa 1,080 Locally Stranded Individuals (LSI) na pawang mga nakatira sa lalawigan ng Albay ang nakatakdang ihatid ngayon araw, Hunyo 18, 2020.

Ang mga nasabing LSI ay pansamantalang mananatili sa compound ng Redemptorist Church sa Baclaran, Parañaque City.

Nasa 36 na bus ang maghahatid sa mga LSI kung saan bago sila makasakay ay isasailalim sila sa rapid test para masigurong ligtas sa COVID-19.


Ang mga magpo-positibo sa rapid test ay maiiwan muna para dalhin sa isang ospital para isailalim sa swab test.

Nabatid na nakipag-ugnayan ang simbahan ng Baclaran kasama ang lokal na pamahalaan at si Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang munisipalidad at pamalahaang lokal ng Albay hinggil sa pagpapauwi ng mga LSI.

Ito na ang ika-4 na batch ng mga LSI na makaka-uwi sa Bicol Region kung saan higit 1,000 na ang nakauwi sa lalawigan ng Albay at Sorsogon.

Napag-alaman na ang mga LSI ay una nang nagparehistro via online at bawat isa sa mga ito ay kinakailangang may travel pass para makasama sa biyahe papauwi habang hindi naman pinupuno ang mga bus para pairalin ang physical distancing at mayroon namang libreng pagkain sa mga pasahero.

Facebook Comments