Natapos na ng Department of Public Works and Highways Ilocos Region (DPWH-1) ang 1,278 mula sa 1,729 na nakalinyang proyekto nito.
Ang mga naturang proyekto ay pinaglaanan ng PHP 71.86 bilyon noong 2024.
Kabilang dito ang 202 na proyekto sa kalsada, 69 na tulay, at 211 na flood control structures, na mapapakinabangan ng mga residente sa rehiyon ayon kay DPWH-1 Information Officer Esperanza Tinaza.
Kasama sa mga natapos na proyekto ang 86 na farm-to-market roads, 50 bagong school buildings, isang kalsadang patungo sa mga seaport, 34 na proyekto sa kalsada na patungo sa mga pangunahing destinasyong panturismo, at siyam na proyekto sa ilalim ng DPWH-DTI Convergence Program para sa pagpapalago ng ekonomiya sa rehiyon.
Ayon pa kay Tinaza, tatlong proyekto sa ilalim ng DPWH-DND Convergence Program ang natapos, na inaasahang magpapalakas sa depensa at seguridad.
Gayundin ang disaster resilience ng rehiyon sa pamamagitan ng 16 na rehabilitasyong proyekto na naglalayong matulungan ang rehiyon sa mga epekto ng kalamidad.
Samantala, may 434 na proyekto pa ang nagpapatuloy ang konstruksyon, 16 ang hindi pa naisagawa, at isa ang hindi itinuloy. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨