Monday, March 23, 2026

Higit 1,000 OFWs mula Middle East, inaasahang maiuuwi ng gobyerno sa mga susunod na araw

Aabot sa mahigit 1,200 Pilipino ang inaasahang uuwi sa bansa sa mga susunod na araw mula sa Middle East.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, patuloy ang repatriation kahit may saradong airspace sa ilang bansa.

Dahil dito, gumagamit ang gobyerno ng land travel at chartered flights, lalo na mula UAE, upang mapabilis ang pag-uwi.

Tiniyak din ng Department of Migrant Workers (DMW) na sapat ang pondo ng gobyerno para tulungan ang mga uuwing OFWs, kabilang ang tulong pinansyal at reintegration support.

Sa ngayon, wala pang deployment ban sa mga bansa tulad ng UAE, Bahrain, Qatar, at Saudi Arabia, ngunit kinakailangang sumunod ang mga OFW sa safety protocols sa kanilang kinaroroonan.

Facebook Comments