Umaabot sa 1,691 na pamilya ang nananatili pa rin ngayon sa mga evacuation center sa San Mateo, Rizal.
Sa datos ng San Mateo, Rizal Municipal Social Welfare and Development Office katumbas ng nasabing bilang ng pamilya ang nasa 7,302 na indibidwal.
Nagmula ang mga evacuees sa pitong barangay na kinabibilangan ng Sta. Ana, Banaba, Malanday, Guinayang, Maly, Dulong Bayan 1 at Ampid 1.
Nananatili ang mga evacuees sa mga paaralan, covered court, mga simbahan at health centers.
Pinakamaraming pamilya na inilikas ay sa Brgy. Sta. Ana na umabot sa 750 o katumbas ng 2,695 na indibidwal.
Patuloy naman nakakatutok ang lokal na pamahalaan ng San Mateo kung saan hindi pa rin pinapabalik ang karamihan sa mga inilikas na pamilya hangga’t hindi sigurado na ligtas na ang sitwasyon bunsod ng pananalasa ng Bagyong Paeng.