Higit 1,000 Pamilya sa Cauayan City, Nakaranas ng Pagbaha dahil sa Bagyo

Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa 1,753 na pamilya o 3,005 na indibidwal ang inilikas ng lokal na pamahalaan ng Cauayan at karamihan dito ay pawang mga residente ng Brgy. Villa Luna at San Luis.

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, umabot naman sa anim (6) na barangay sa lungsod ang lubhang nakaranas ng matinding pagbaha bunsod ng naranasang malakas na buhos ng ulan dahil sa Bagyong Ulysses.

Kinabibilangan ito ng barangay Gagabutan, Andarayan, Nagcampegan, Mabantad, Catalina at Carabbatan Punta.


Dagdag pa ng opisyal, kalahati mula 65 barangays sa lungsod ang nakaranas ng pagbaha.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa rin ang ginagawang pamamahagi ng mga pagkain sa mga residente para masigurong nakakakain pa rin ang mga ito.

Facebook Comments