Higit 1,000 pasahero, apektado ng kanselado biyahe ng mga paliparan dahil sa Bagyong Pepito

Nasa 1,331 o higit pa na pasahero ang naitalang stranded sa mga paliparan sa bansa bunsod ng Bagyong Pepito.

Sa datos ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nasa 23 flights ang kinansela dahil sa bagyo kung saan maging ang non-scheduled flights patungong coastal areas ay kanselado na rin.

Ilang airport na may kanseladong biyahe ay ang Tuguegarao Airport, Cauayan Airport, Dumaguete Airport, Bohol-Panglao International Airport, Surigao Airport, Zamboanga International Airport at Davao International Airport.


Una naman nag-abiso na balik-operasyon na ang mga airport sa Virac, Naga, Masbate, Legazpi, Daet, Sorsogon, Bulan, at Bicol International Airport.

Facebook Comments