Higit 1,000 pasahero sa paliparan, stranded dahil sa Bagyong Marce

Aabot sa 1,116 na pasahero ng paliparan ang stranded bunsod ng Bagyong Marce.

Kanselado ang mga commercial at local flights sa Cagayan Valley matapos itaas sa Signal No. 2 ang bagyo kung saan anim na scheduled flight ang nakansela at nasa 969 na pasahero ang nananatili sa mga paliparan.

Nasa dalawang scheduled flights naman ang nagkansela ng biyahe sa Basco, Batanes dahil nasa Signal No. 3 na ang bagyo roon kaya’t nasa 147 na pasahero ang apektado.


Normal naman ang operasyon ng airport at wala rin problema sa mga kagamitan pero kinansela pa rin ang biyahe para sa kapakanan ng mga pasahero.

Facebook Comments