Higit 1,000 reklamo laban sa mga Online Lending Apps, natanggap ng National Privacy Commission

Umabot na sa higit 1,000 ang natatanggap na reklamo ng National Privacy Commission (NPC) laban sa mga Online Lending Apps.

Ito’y dahil sa pinahihiya sa publiko ang mga nangungutang na hindi agad nakakabayad.

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, dapat kilatisin ang mga Online Lending App na uutangan.


Maaring makipag-ugnayan sa kanila o sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC), o sa Dept. of Trade and Industry (DTI) para idulog ang reklamo.

Samantala, naglabas na rin ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng listahan ng mga pinahihintong Online Lending Apps.

Ayon kay SEC Commissioner Kevin Lester Lee, kulang ang kanilang mga kaukulang dokumento para mag-operate.

Kabilang sa mga Online Lending Apps na ipinahihinto ng SEC ay ang mga sumusunod:

Instant Pera, Quickpera, Lendmo Philippines, Binixo, Cashbus, Cashcat, Cashuttle, Crazy Loan, Flash Cash, Happy 2 Peso, Hatulong, Meloan, Moneytree Quick Loan, Pera Express, Pera4u, Pera Mart, Peso Lending, Quick Peso.

Facebook Comments