Binansagan itong ‘Palay Aralan Makabagong Pagsasaka sa Himpapawid’ na pinangunahan ng Agricultural Training Institute Regional Training Center 2 katuwang ang Department of Agriculture Regional Field Office No. 02, Philippine Rice Research Institute Isabela at PLGU Nueva Vizcaya.
Ayon kay Governor Carlos M. Padilla, na nagsilbing Guest Speaker, ang SOA ay isang magandang hakbang ng kagawaran upang ang mga magsasaka ay maging isang globally competitive.
Aniya,magandang hakbang ito para malabanan ang epekto ng Rice Tarrification Law at kung ano man ang problemang kinakaharap ng mga magsasaka ngayon.
Hinimok ni Padilla ang mga nagpapatupad na ipagpatuloy ang programa sa mas mataas na antas at mas malawak na saklaw.
Samantala, nagpasalamat naman si Director Imelda Guillermo, Superintendent ng ATI RTC 2, sa mga kalahok na municipal local government units.
Samantala, ipinahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo ang kanyang buong suporta sa anumang mga hakbangin na ipapatupad ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagsisilbi ring Kalihim ng Agrikultura.
Nangako si Edillo na ipaglalaban ang paglalaan ng mga kinakailangang proyekto tulad ng mga buto, pataba at iba pa upang matiyak ang produktibidad ng mga magsasaka.
Nagbigay inspirasyon naman si Assistant Manager Fernando Garcia ng PhilRice Isabela sa mga nagsipagtapos kung saan, ipinaalam niya sa mga magsasaka na ang ahensya ay patuloy na magsasagawa ng mga pananaliksik na makakatulong sa pagtaas ng kita.
Noong nakaraang Oktubre 27, 2022, 534 na magsasaka mula sa Quirino ang nagtapos din sa parehong malayong diskarte sa pag-aaral.