Cauayan City, Isabela-Nakatanggap ng tulong pinansyal ang nasa 1,200 benepisyaryo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng DOLE mula sa coastal town ng Isabela, ang Maconacon at Divilacan.
Napabilis ang pamamahagi ng tulong ng TUPAD sa Cagayan Valley mula nang magsimula ang pandemya kung saan benepisyaryo ang mga kabilang sa informal sector na apektado ng kawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Partikular na target ng programa ang mga nawalan ng trabaho, walang trabaho at seasonal workers with emergency employment mula sa 10-araw hanggang 30-araw na pagtatrabaho.
Katuwang ang Provincial Government ng Isabela sa pamamahagi ng tulong pinansyal na pinangunahan ni DOLE RO2 Regional Director Joel Gonzales