Aabot sa 10,816 na indibidwal ang inaasahang kukuha ng 2023 Bar Examinations.
Ito ang inanunsiyo ng Korte Suprema sa pamamagitan ng Office of the 2023 Bar Chair.
Sa nasabing bilang, 5,832 dito ang kukuha ng Bar Exams sa unang pagkakataon habang 4,984 ang mga ikalawang beses na.
Kaugnay nito, nasa 2,571 na bar personnel ang ide-deploy sa mga national headquarters at 14 na Local Testing Centers (LTCs).
Kabilang sa mga ito ang court officials; mga judge mula sa Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at first- and second level courts; kabilang ang mga abogado mula sa gobyerno at sa pribado.
Ito’y upang masiguro na maayos ang lahat sa gagawing Bar Exam sa September 17, 20, at 24.
Inabisuhan ang mga kukuha ng naturang pagsusulit na abangan ang iba pang anunsiyo ng Korte Suprema sa kanilang official website.