Higit 10,000 indibidwal sa buong bansa, naitalang gumaling sa COVID-19 ayon sa DOH

94

Naitala ngayon ng Department of Health (DOH) ang nasa 10,237 na bilang ng mga indibidwal sa buong bansa na nakarekober sa COVID-19.

Dahil dito, pumalo na sa 2,598,052 ang kabuoang bilang ng mga gumaling sa nasabing sakit sa buong bansa.

Base pa sa datos ng DOH, nasa 6,913 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang kanilang naitala kaya’t ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ay nasa 81,641 na.


95 naman ang nadagdag sa bilang ng mga pumanaw kaya’t ang total nito sa ngayon ay nasa 40,675.

Sa kabuoan, umaabot sa 2,720,368 ang naitalang kumpirmadong kaso ng virus sa buong bansa.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 15, 2021 habang mayroong tatlong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).



Base pa sa datos, ang kontribusyon ng tatlong laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.5% sa lahat ng samples na nasuri at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal sa nakaraang 14 na araw.

Facebook Comments