Higit 10,000 na indigent na pasyente, nabigyan ng libreng dugo ng Philippine Red Cross Blood Services

Tuloy pa rin ang serbisyo ng Philippine Red Cross (PRC) Blood Services sa pagbibigay ng libreng dugo sa mga pilipino sa kabila ng maling impormasyon na nagpapabayad ang kanilang kinauukulan.

Ayon sa PRC Blood Services, aabot sa 10,613 na indigent na pasyente ang nabigyan ng libreng dugo sa ilalim ng Blood Samaritan Program ngayong taon.

10% ito ng kabuuang bilang ng pasyente na sinilbihan ng PRC Blood Services na 119,535 sa nakalipas na siyam na buwan.


Kabilang dito ang 28 na pasyente na walang processing fee, 24 na pasyente na may discount sa processing fee habang 229 na may fee nitong Oktubre 5.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, layon ng Blood Samaritan Program ng Red Cross na tumulong sa mga kapus-palad na mga Pilipino.

Para sa mga pasyenteng tulad ng nabanggit, lilikom ng pondo ang Red Cross mula sa mga bukas palad na indibidwal at kumpanya na may kakayahang sumagot ng fee nito.

Samantala, ipinaalala naman ng PRC na libre mismo ang dugo habang blood processing fee lamang ang may bayad sa mga non-indigent patients alinsunod sa Department of Health (DOH) administrative order 2015-0045.

Kabilang sa mga sakop ng bayad ay ang donor recruitment program, education, collection, blood testing, preparasyon ng blood products at iba pang proseso upang matiyak na ligtas ang ibibigay na dugo sa mga pasyente.

Facebook Comments