Higit 10,000 OFWs tinamaan ng COVID-19 sa abroad

Umaabot na sa higit 10,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang tinamaan ng COVID-19 mula sa 77 bansa.

Sa Laging Handa Press Briefing, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay na sa nabanggit na bilang 700 na ang nasawi, 6,580 ang nakarekober habang nasa higit tatlong libong ofws naman ang patuloy na nagpapagaling.

Pagtitiyak pa ni Usec. Dulay, hindi pinababayaan ng ating mga Embahada at Konsulada ang mga kababayan nating tinamaan ng virus, at sa katunayan nagkakaloob ang ahensya ng tulong pinansyal at iba pang ayuda sa mga OFWs.


Samantala, umaabot na sa 61,716 na mga seafarers ang napauwi na sa bansa.

Sa ngayon, mayroon pang nasa 127 seabased OFWs ang nakatakdang iuwi sa Pilipinas.

Natatagalan lamang ang pagpapauwi sa mga ito dahil sa limitadong flights at may ilang mga bansa pa rin na sarado ang kanilang mga borders.

Facebook Comments