Higit 10,000 pasahero, naitala ng Philippine Coast Guard na bumiyahe ngayong umaga sa mga pantalan sa bansa

Umaabot sa higit 10,000 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe ngayong umaga sa mga pantalan sa buong bansa bansa.

Sa datos ng PCG sa ilalim ng OPLAN BIYAHENG AYOS: PASKO 2021, nasa 6,860 outbound passengers ang kanilang naitala habang nasa 5,223 naman ang pawang mga inbound passengers.

Kaugnay rito, nasa 1,607 na frontline personnel ang ipinakalat sa 15 districts ng Coast Guard.


Nasa 187 vessels at 39 motorbancas ang isinailalim nila sa inspeksyon upang masiguro na nasusunod ang pamantayan sa paglalayag at pagpapatupad na rin ng health protocols.

Patuloy rin nakamonitor ang PCG sa sitwasyon ng mga pantalan ng bansa at sa lagay ng panahon.

Matatandaan na inilagay ng PCG ang lahat ng kanilang districts, stations, at sub-stations sa ‘heightened alert’ mula noong Disyembre 16, 2021 na magtatagal ng Enero 5, 2022 upang mabantayan ang pagdagsa ng mga pasahero kasama ang kanilang pamilya sa mga pantalan.

Facebook Comments