Higit 100,000 frontliners, target na mabakunahan ng COVID-19 vaccine sa Malabon

Aabot sa 118,930 frontliners ang target ng lokal na pamahalaan ng Malabon na mabakunahan ng COVID-19 vaccine.

Kabilang sa mga frontliners na prayoridad sa vaccination program ang mga health workers, indigent, senior citizens at uniformed personnel.

Ayon kay Malabon Mayor Lenlen Oreta, inaasahan ang pagdating sa lungsod ng AstraZeneca na nagkakahalaga ng P50 million.


Samantala, sinisikap naman ngayon ng pamahalaang lokal na hikayatin ang mga residente na magpabakuna ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ng alkalde na sa ginawang survey, 30% lang o 484 sa 1,356 na respondents na mga taga-Malabon ang handang magpabakuna laban sa coronavirus disease.

Facebook Comments