Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employment (DOLE) na higit 100,000 manggagawa na ang na-regular sa kanilang trabaho.
Ito’y dahil sa pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang kontraktwalisasyon.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III – kinikilala nila ang mga natatanging private employers na nagpakita ng sinseridad sa pagsasakatuparan ng inisyatibong ito.
Sa pinakahuling datos ng DOLE, umabot na sa 55,000 pribadong establisyimento ang nainspeksyon ng kanilang labor law compliance officers sa kanilang rehiyon sa bansa.
Bago matapos ang taon, target ng ahensya na maisulong ang regularization ng dagdag na 50,000 empleyado.
Sa ngayon, malaking pagsubok pa rin ng DOLE na mai-regular ang nasa 2. 4 million job order workers sa bansa.