
Lumobo pa sa 28,014 pamilya o katumbas ng mahigit 100,000 indibidwal ang apektado ng pinagsamang epekto ng habagat, nagdaang Bagyong Mirasol at Nando.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga apektado ay mula sa 181 barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Gitnang Luzon, Bicol Region, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Nakapagtala na rin ang NDRRMC ng 4 na kalsada at 4 na tulay sa Ilocos Region at Cagayan Valley ang hindi muna madaraanan ng mga motorista.
Habang nasa 21 kabahayan ang winasak ng sama ng panahon, 14 dito ang partially damaged at 7 ang totally damaged.
Mayroon ding mga winasak na imprastraktura sa CAR at CALABARZON.
Sa ngayon, patuloy pang beneberipika ng NDRRMC ang datos hinggil sa napaulat na 2 nasawi, 2 sugatan at 5 nawawala.









