Higit 100,000 migrants, denied ang entry sa Estados Unidos!

Umabot sa higit 103,000 migrants ang inaresto at hindi ipinapasok ng US authorities sa border nito sa Mexico nitong Marso.

Ito ay base sa tala ng US Customs and Border Protection.

Karamihan sa mga migrants ay mga pamilya mula Central America.


Ang tumataas na bilang mga umo-ober-da-bakod na migrants ang dahilan ng patuloy na pagpupursige ni US President Donald Trump na maitayo ang border wall.

Sinisisi rin ni Trump sa kanyang mga opisyal, maging ang kanilang Kongreso, Latin American countries dahil hindi sapat ang mga ginagawa nitong hakbang upang mapigilan ang mga kababayan nito na pumasok sa Estados Unidos.

Sa taya ng mga immigration experts, mas marami pang migrants ang magtatangkang tumawid sa mga susunod na buwan, lalo at naitatala ang highest peak tuwing buwan ng Mayo.

Facebook Comments