Inaasahang nasa higit 100,000 pasahero ang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa Semana Santa.
Ayon kay PITX Corporate and Government Relations Head Jason Salvador, sa ngayon ay nasa 91,000 ang mga pasaherong sumasakay sa terminal kada araw at tiyak na tataas pa ito ngayong weekend hanggang sa Huwebes Santo.
Sa kabila nito ay inaaasahan namang bababa ang volume ng mga pasahero sa Biyernes Santo, April 15 ngunit muling tataas ito sa Linggo ng Pagkabuhay, April 17 at Lunes, April 18.
Tiniyak naman ni Salvador na handa ang PITX at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagdagsa ng mga pasahero.
Samantala, handa namang maglabas ng special permit Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga bus bilang paghahanda sa posibleng pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa mga probinsya sa Semana Santa.