Higit 100,000 polling precincts, sinisilip para sa May 2022 elections – COMELEC

Sinsilip ng Commission on Elections (COMELEC) na dagdagan ang bilang clustered precincts sa May 2022 national at local elections para maiwasan ang overcrowding.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez na mula sa 84,000, plano na nilang itaas ang polling precincts sa 100,000 o higit pa.

Dinadagdagan nila ang voting precincts dahil sa dumarami ang voting population.


Sinabi ni Jimenez na magkakaroon ng 800 voters kada presinto.

Una nang sinabi ng poll body na ligtas mula sa COVID-19 ang voting centers.

Facebook Comments