Higit 100,000 residente sa CALABARZON, lumikas dahil sa Bagyong Rolly

Wala naiulat na namatay sa CALABARZON region, pero may tatlong nasugatan sa pananalasa ng Bagyong Rolly.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) CALABARZON, ang tatlong nasugatan ay mula sa Quezon Province.

Dalawa sa mga ito ay mula sa bayan ng Dolores na nagtamo laman ng minor wounds habang nag-aayos ng kanilang bubong, habang ang isang biktima ay mula sa bayan ng Pitogo na nagkaroon ng multiple physical injuries dahil sa bumagsak na cell site antenna.


Aabot sa 100,016 residents o 26,842 families sa rehiyon ang na-displaced.

May mga nabuwal na puno sa Cavite, insidente ng landslide sa Calauag, Quezon.

Nakapagtala rin ng soil erosion sa Barangay Mataas sa bayan ng Lemery, Batangas.

Ang power supply sa 49 mula sa 90 local government units ay naibalik na.

Tinatayang aabot sa ₱1.5 billion ang iniwang pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa Region 4A.

Facebook Comments