Nasabat ng awtoridad ang nasa 104,720 pesos na halaga ng iligal na droga mula sa limang operasyon na isinagawa ng pulisya sa Pangasinan.
Mula September 22-23, 2025, nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ang nasa kabuuang 15.4 gramo ng hinihinalang shabu.
Nagresulta rin ito sa pagkakaaresto ng limang katao; tatlo sa mga ito tukoy na Street Level Individual.
Naging matagumpay ang mga operasyon sa pagtutulungan ng hanay ng pulisya at PDEA Regional Office 1.
Masusing inilagak sa imbentaryo ang mga nakalap na ebidensya habang nasa ilalim na ng kustodiya ng pulisya ang mga naarestong indibidwal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









