Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 115,956 o 79.83% ang kabuuang bilang ng populasyon sa lungsod ng Santiago na naturukan sa unang dose habang 102,643 o 70.66% ng populasyon ang fully vaccinated kontra COVID-19.
Ayon kay Mayor Joseph Tan, tuloy-tuloy ang ginagawang pagbabakuna sa lungsod na isinasagawa sa ilang vaccination sites.
Bukod dito, hindi naman natigil ang ginagawang mass testing ng City Health Office kung saan umabot na sa 79,535 ang kabuuang bilang ng mga nasuri kabilang dito ang 42,150 na sumailalim sa RT-PCR test; 22, 859 Rapid Antigen Test at 14,526 Rapid Antibody Test.
Samantala, nasa 14 katao ang nananatili sa LGU Quarantine Facility, 16 ang admitted sa hospital gayundin ang 9 na katao naka-quarantine sa hospital facility at 8 naman ang naka-home quarantine.
Sa kasalukuyan, nasa 50 nalang ang aktibong kaso sa lungsod at 240 naman ang naitalang nasawi sa COVID-19.
Facebook Comments