HIGIT 100K RELIEF SUPPLIES SA ILOCOS REGION, NAKAHANDA NA

Nakahanda na ang mga food at non-food items sa lahat ng 21 warehouses sa Ilocos Region bilang tugon sa posibleng maapektuhang mga residente ni Bagyong Crising sa rehiyon.

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1, as of July 16, naka standby ang 86, 874 na mga family food packs at 15, 463 naman na mga non-food items.

Ayon sa ahensya, nakahanda ang tanggapan sa kinakailangang relief augmentation.

Inihayag naman ni DSWD FO1 Regional Director Marie Angela Gopalan na mayroong mga pondo para sa disaster response ang bawal lokal na pamahalaan.

Patuloy ang monitoring ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council 1 sa kalagayan ng panahon, at ang pagbibigay paalala sa mga residente sa Rehiyon Uno sa gitna ng nararanasang epekto ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments