Aabot na sa 106,200 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang natulungan ng pamahalaan na makauwi sa kanilang mga probinsya.
Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang huling batch ay nasa 2,246 OFWs na nakauwi na sa kanilang probinsya nitong July 25.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, gagamitin ng pamahalaan ang lahat ng hakbang para mapauwi ang mga OFW at tulungan silang maibalik ang kanilang nawalang trabaho sa abroad.
Lumagpas na rin sa 250,000 OFWs ang benepisyaryo ng ₱2.5 billion emergency fund para sa mga naapektuhan ng pandemya o sa Abot Kamay ang Pagtulong o AKAP.
Facebook Comments